BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS »

Song Lyrics

Rebound
by: Silent Sanctuary

O kay bilis naman
Magsawa ng puso mo
Ganyan ka ba talaga
Bigla nalang naglalaho

Para bang walang nangyari
Di mo man lang sinabi

Sana’y hindi nalang pinilit pa
Wala ring patutungahan
Kahit sabihin ko pang
Mahal kita

Nalulungkot, nayayamot, nagmumukmok
Hindi ko pa yata kaya pang
Labanan ang damdamin ko

Nakakainis talaga
Nagmuhkha tuloy akong tanga
Pinaasa mo kasi
Puso ko ngayon tuloy lumuluha

Dahil iniwan mo kong mag-isa
Limang araw lang ay babay na

Sana’y hindi nalang pinilit pa
Wala ring patutungahan
Kahit sabihin ko pang
Mahal kita

Nalulungkot, nayayamot, nagmumukmok
Hindi ko pa yata kaya pang
Labanan ang damdamin ko

Rebound mo lang pala ako

 Ingat Ka
by: Silent Sanctuary

Huwag kang mag-alala
Nakaukit na sa isip ko
Nakatitig sa `yong mata
Nasa langit na ba ako

Minsan lang nagsama
Sa lunes aalis ka na
Salamat narin ikaw ay nakilala

Doon mag-ingat ka (San ka man magpunta)
Matulog maaga (Para di mamutla)
Huwag masyadong magpupuyat
Inom gamot pag nilalagnat

Sayang din talaga
Pag kausap ka’y sarap sa tenga
Ngiti mong kay ganda
Siguradong mami-miss kita

Minsan lang nagsama
Sa ferris wheel tabi kita
Salamat na rin extended version pa

Doon mag-ingat ka (san ka man magpunta)
Matulog maaga (para di mamutla)
Hinay-hinay lang sa kape
Lalung-lalo na sa tanghali

Minsan lang nagsama
At bukas aalis ka na
Sayang sana ay nagtagal ka pa

Doon mag-ingat ka (Doon mag-ingat ka)
Matulog maaga (Matulog maaga)
Huwag masyadong magpupuyat
Inom gamot pag nilalagnat
Hinay-hinay lang sa kape
Lalung-lalo na sa tanghali

 
 



Maalala Mo Sana
by: Silent Sanctuary


Natupad din ang aking pangarap na ipagtapat sa'yo
Ibubulong ko na lamang sa alapaap ang sigaw ng damdamin ko
Sulyapan mo lang sana ang langit
Baka sakaling marinig ng puso mo ang tinig ko

Maalala mo sana ako dahil noon pa man
Sa'yo lang nakalaan ang pag-ibig ko
Bawat sandali na ikaw ay kasama
Para bang di na tayo muling magkikita
Kaya ngayon aaminin na sa'yo
Na mahal na mahal kita
Maalala mo sana

Naitago ko pa ang lahat ng iyong mga liham
Unang ngiti mga yakap mo'y di maalis sa aking isipan
Tutugtog ako ng gitara
Baka sakaling sumagi sa isip mo ang mga pangako

Maalala mo sana ako dahil noon pa man
Sa'yo lang nakalaan ang pag-ibig ko
Bawat sandali na ikaw ay kasama
Para bang di na tayo muling magkikita

Maalala mo sana ako dahil noon pa man
Sa'yo lang nakalaan ang pag-ibig ko
Bawat sandali na ikaw ay kasama
Para bang di na tayo muling magkikita
Kaya ngayon aaminin na sa'yo
Na mahal na mahal kita, na mahal na mahal kita
Maalala mo sana



Tuyo Na'ng Damdamin
by: Silent Sanctuary

Minsan kahit na pilitin mong uminit ang damdamin
Di siya susunod, at di maglalambing
Minsan di mo na mapigil mapansin
Na talagang wala nang naiiwan na pagmamahal


[Refrain]
At kahit na anong gawin
Di mo na mapilit at madaya
Aminin sa sarili mo
Na wala ka nang mabubuga
Parang 'sang kandila na nagdadala
Ng ilaw at liwanag
Nauubos rin sa magdamag
(Instrumental)

Minsan di mo na mapigil mapansin
Na talagang wala nang naiiwan na pagmamahal

(Repeat Refrain)
Di na madaig o mabalik ang dating matamis na kahapon
Pilitin ma'y tuyo na'ng damdamin


Tuyo na'ng damdamin (repeat 4x)
ha......




KundiMan
by: Silent Sanctuary



Para kang asukal
Sintamis mong magmahal
Para kang pintura
Buhay ko ikaw ang nagpinta
Para kang unan
Pinapainit mo ang aking tiyan
Para kang kumot na yumayakap
Sa tuwing ako'y nalulungkot


Kaya't wag magtataka
Kung bakit ayaw kitang mawala

Kung hindi man tayo hanggang dulo
Wag mong kalimutan
Nandito lang ako
Laging umaalalay
HinDi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw

Di baleng maghapon umulan
Basta't ikaw ang sasandalan
Liwanag ng lumulubog na araw
Kay sarap pagmasdan
Lalo na kapag nasisinagan ang iyong mukha
Ayoko ng magsawa

Hinding-hindi magsasawa sayo...


Kaya't wag magtataka
Kung bakit ayaw kitang mawala

Kung hindi man tayo hanggang dulo
Wag mong kalimutan
Nandito lang ako
Laging umaalalay
HinDi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko

Bahala na
Ayoko muna magsalita
Hayaan na muna natin ang daloy ng tad-ha-na

Kung di man tayo hanggang dulo
Wag mong kalimutan
Nandito lang ako
Laging umaalalay
HinDi ako lalayo

Kung hindi man tayo hanggang dulo
Wag mong kalimutan
Nandito lang ako
Laging umaalalay
HinDi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin

Dahil ang tanging panalangin

Ay ikaw...
Ay ikaw...
Ay ikaw...
Ay ikaw...


 


Ikaw Lamang
by: Silent Sanctuary


Di ko maintindihan
Ang nilalaman ng puso
Tuwing magkahawak ang ating kamay
Pinapanalangin lagi tayong magkasama
Hinihiling bawat oras kapiling ka


Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta
Sana’y di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man


Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang buhay
Ikaw lamang sinta
Wala na kong hihingin pa
Wala na

Ayoko ng maulit pa
Ang nakaraang ayokong maalala
Bawat oras na wala ka
Parang mabigat na parusa

Huwag mong kakalimutan na kahit nag-iba
Hindi ako tumigil magmahal sayo sinta

Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta

Sana’y di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man

Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang buhay
Ikaw lamang sinta
Wala na kong hihingin pa
Wala na







BENEDICK M. AYES
Friends Myspace Comments
Music Myspace Comments
Music Myspace Comments